^

Probinsiya

Engineer inupakan ng NPA

-
CAMP CRAME – Tatlong tama ng bala ng baril ang tumapos sa buhay ng isang inhinyero makaraang upakan ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) habang ang biktima ay nakaupo sa nakaparadang multicab sa Barangay Binohan, Bais City, Negros Oriental kamakalawa.

Idineklarang patay sa Bais City District Hospital ang biktimang si Emilio Burgos, 57 at nanunuluyan sa Universal Rovina Sugar Milling Corp. sa Barangay Tamiso, Bais City.

Lumalabas sa pagsisiyasat ng pulisya, naitala ang krimen dakong alas-8 ng gabi habang ang biktima ay nakaupo sa loob ng sariling Isuzu multicab na nakaparada sa naturang lugar.

May teorya ang pulisya na hindi namalayan ng biktima ang paglapit ng mga rebelde sa kinauupuang sasakyan at bago pa makahulagpos ay sunud-sunod ang kumawalang putok.

May posibilidad na may kinalaman sa pagtanggi ng biktima na magbayad ng revolutionary tax sa mga rebelde ang kasalukuyang sinisilip ng mga imbestigador. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

BAIS CITY

BAIS CITY DISTRICT HOSPITAL

BARANGAY BINOHAN

BARANGAY TAMISO

EMILIO BURGOS

IDINEKLARANG

JOY CANTOS

NEGROS ORIENTAL

NEW PEOPLE

UNIVERSAL ROVINA SUGAR MILLING CORP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with