Ang mga nasawi ay nakilalang sina Carlos Rey Letrondo, anak nitong si Vincent James Edward, 5 anyos, kanilang katulong at isa pang kasama.
Sugatan naman ang dalawa pang anak ni Letrondo na sina Stephanie at JI at isang Edcel Odonio.
Mabilis namang naaresto ang driver ng trak na si Seliro Enkabulim na kinasuhan ng reckless imprudence resulting to multiple homicide.
Sa report na nakarating sa Kampo Krame, dakong alas- 4 ng madaling araw ay pauwi na ang pamilya Letrondo sakay ng Honda Civic at binabagtas ang kahabaan ng kalye ng brgy. Kansaga Consolacion.
Pagdating sa kurbadang lugar ay hindi napansin umano ni Letrondo ang kasalubong na trak at nabangga sila maging ang sasakyan ni Odonio.
Sa lakas nang pagkabangga ay halos nayupi ang sasakyan ng mga biktima. (Ulat ni Angie Dela