^

Probinsiya

Driver binoga ng 2 pasahero

-
Tiaong, Quezon – Sabog ang bungo at namatay noon din ang isang jeepney driver matapos na barilin ng dalawang di pa nakilalang lalaki na pasahero nito sa Brgy. Lagalag sa bayang ito kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Rodel Menor, 31 anyos , may-asawa at residente ng Brgy. Lusacan habang patuloy namang pinaghahanap ng pulisya ang dalawang salarin na mabilis na tumakas tangay ang .45 caliber pistol na ginamit sa pamamaslang.

Sa isinagawang imbestigasyon ni PO1 Dennis Rivera, may hawak ng kaso, dakong alas-7:30 ng gabi habang minamaneho ng biktima ang isang pampasaherong jeepney na may plakang DHG -331 na patungo sa Candelaria, Quezon nang pagbabarilin ng mga suspek pagsapit sa Brgy. Lagalag.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang motibo ng pamamaslang sa biktima. (Ulat ni Tony Sandoval)

vuukle comment

BRGY

CANDELARIA

DENNIS RIVERA

INAALAM

KINILALA

LAGALAG

LUSACAN

QUEZON

RODEL MENOR

TONY SANDOVAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with