Kinidnap na kandidatong konsehal ng lakas nailigtas
March 25, 2004 | 12:00am
Camp Crame Matapos ang 12 araw na pagkakabihag, nasagip ng mga operatiba ng pulisya ang isang kandidatong konsehal ng Lakas-CMD na dinukot ng mga armadong kalalakihan sa isinagawang rescue operations sa Bubong, Lanao del Sur, ayon sa ulat kahapon.
Kinilala ang nailigtas na biktima na si Hadji Rasul Mamalo Abonsod, nasa hustong gulang, residente ng Brgy. Bubong-Didagun, Bubong ng nasabing lalawigan at isa sa mga kandidato ng partido ng administrasyon.
Batay sa ulat, dakong alas-4:30 ng hapon kamakalawa ng ma-rescue ng pinagsanib na mga elemento ng Lanao del Norte Provincial Police Office (PPO) at Bubong Municipal Police Station (MPS) ang biktima sa isang taniman ng mais sa Brgy. Kidag sa kanugnog na bayan ng Tagolaon.
Napilitan umano ang mga kidnappers na abandonahin ang biktima sa takot na masukol ng tumutugis na puwersa ng pulisya.
Magugunita na ang biktima ay dinukot ng mga armadong kalalakihan sa mismong tahanan nito sa bayan ng Bubong noong nakalipas na Marso 10.
Nabatid sa mga awtoridad na maaring personal na hidwaan sa malaking pagkakautang na di nabayaran o di kaya naman ay tunggalian sa pulitika ang motibo ng pagdukot sa biktima habang patuloy pa rin ang imbestigasyon sa kaso at pagtugis sa mga kidnappers. (Ulat ni Joy Cantos )

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest