Si Oropesa ay nagsumite ng kaniyang certificate of candidacy nitong nakaraang Enero 2 bilang bise gobernador ni Brando Sael ng Kilusan ng Nagkakaisang Pilipino (KNP) party ni presidential candidate Fernando Poe Jr.
Batay sa ulat, si Oropesa ay may telenovela contract sa GMA-7 o ang Te Amo, Maging Sino ka Man na nakakasagabal sa kaniyang pagtakbo sa pulitika.
Gayunman, sinabi ni Ma. Sonia Fernandez Mabelin, Albay Acting Provincial Election Supervisor personal ang dahilan ni Oropesa sa pag-atras nito sa pagtakbong bise gobernador.
Ganap na alas-9:05 ng umaga nang personal na lumagda si Oropesa sa pag-atras nitong sa kanyang pagtakbo.
Sinabi ni Zacarias Zaragoza Jr., Bicol Comelec Regional Director na si Oropesa ang ika 28 kandidato sa Bicol na nag-withdraw ng kandidatura simula ng mag-umpisa ang pagsusumite ng certificate of candidacy ng mga kandidato nitong nakalipas na Enero ng taong ito.
Nabatid na si Oropesa ang nag-iisang kandidatong vice governor sa Bicol na nag-withdraw ng kandidatura dahilan ang mga naunang nagsiatras ay pawang mga Sangguniang Bayan candidates na sinundan ng tatlong bise alkalde, dalawang mayor, isang kongresista at isang gobernador. (Ulat ni Celso Amo)