Kabilang sa namatay ay nakilalang sina Zosimo Andres, 40, Eligio Corpus, 41, kapwa opisyal ng barangay at ang driver ng van na si Emmanuel Balubal, 30, na pawang residente sa bayan ang Ramon, Isabela.
Nasa kritikal na kondisyon at nilalapatan ng lunas sa Dr. Domingo Hospital, Brgy. San Miguel, Tarlac City ang mga biktimang sina Ernesto Caguin, 57; Jesus Soriano, 43; Domingo Estipanio, 39, at Arsenio Esteban, 51, habang ang drayber ng trak na si Rony Lopez, 31 ng Moncada, Tarlac ay ginagamot sa Ramos General Hospital.
Napag-alaman sa ulat ng pulisya na ang mga biktimang sakay ng Nissan shuttle van na may plakang URP-829 ay patungo sana sa Fontana Leisure Park sa loob ng Clark ecozone sa Pampanga para makipagpulong sa kakandidatong alkalde sa kanilang bayan.
Habang binabagtas ng shuttle van na sinasakyan ng mga biktima ang kahabaan ng naturang highway sa direksyon ng katimugan ay biglang nagpagewang-gewang ang Isuzu truck (CTX-313) na minamaneho ni Rony Lopez bago sumalpok sa sasakyan ng mga biktima. (Ulat ni Benjie Villa)