^

Probinsiya

1,500 kilo ng Ephedrine nasabat

-
CAMP CRAME – Umaabot sa 1,500 kilo ng Ephedrine na lulan ng container van ang nasabat ng mga elemento ng Philippine Drug Enforcement Agency PDEA sa International Port ng Cebu City kahapon ng umaga.

Sa inisyal na ulat na tinanggap kahapon ni PDEA Executive Director General Undersecretary Anselmo Avenido Jr., ang nasabing kemikal ay pangunahing sangkap sa paggawa ng shabu.

Nabatid na bandang alas-7 ng umaga nang magsagawa ng operasyon ang mga elemento ng PDEA sa nasabing container port matapos na makatanggap ng impormasyon na ibabagsak ang mga kemikal sa naturang lugar.

Ayon pa kay Avenido, ang nasabing kemikal ay lulan ng container van ay nasabat ng mga awtoridad sa daungan.

Hindi naman ibinunyag ni Avenido ang pangalan ng nasabing Tsino maging ang pinanggalingan ng naturang kontrabando upang di mabulilyaso ang dragnet operations.

Patuloy namang inaalam ng PDEA ang halaga ng nasabing mga Ephedrine na maaring makagawa ng P4,500 milyong shabu. (Ulat ni Joy Cantos)

AVENIDO

AYON

CEBU CITY

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

EXECUTIVE DIRECTOR GENERAL UNDERSECRETARY ANSELMO AVENIDO JR.

INTERNATIONAL PORT

JOY CANTOS

NABATID

PATULOY

TSINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with