Sayyaf commander nalambat
March 17, 2004 | 12:00am
Nalambat ng tropa ng militar ang isang wanted na sub-commander ng mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) sa isinagawang operasyon sa Indanan, Sulu kamakalawa.
Kinilala ni AFP- Public Information Office (AFP-PIO) Chief Lt. Col. Daniel Lucero, ang nasakoteng Sayyaf leader na si Michael Pajiji, may patong sa ulong P150, 000.00.
Sinabi ni Lucero na si Pajiji ay nadakip ng pinagsanib ng elemento ng Marine Battalion Landing Team (MBLT) 10 at 304th Area Intelligence Security Service (AISS) sa Brgy. Kajatian, Indanan, Sulu bandang alas 2:10 ng madaling araw.
Ayon kay Lucero, ang matagumpay na pagkakadakip kay Pajiji ay resulta ng pakikipagtulungan ng mga residente sa lugar sa tropa ng militar na nag-tip sa kanilang grupo sa presensiya sa Brgy. Kajatian ng nasabing wanted na lider ng ASG.
Hindi na nakapalag si Pajiji matapos, itong makorner ng mga sundalo sa kaniyang hideout.
Kasalukuyan na ngayong sumasailalim sa tactical Interrogation ng militar si Pajiji habang patuloy pa rin ang pinalakas na crackdown operations laban sa nalalabi pang mga lider at tauhan ng bandidong grupo na namumugad sa Western at Central Mindanao. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am