^

Probinsiya

Trader isinilid sa freezer ng katulong

-
CABANATUAN CITY – Walang-awang pinagpapalo ng bato hanggang sa mapatay bago isinilid sa freezer ang isang 70-anyos na negosyante ng dalawa nitong store helper na lalaki sa Purok Cantarilla, Barangay Valdefuente ng lungsod na ito kamakalawa ng madaling-araw.

Animo’y karne ng baboy ang bangkay ng biktimang si Lorenzo "Entiong" Go, rice store owner ng nabanggit na barangay, samantalang ang isa sa suspek ay agad naman nasakote na nakilalang si Ronnie Pontanusa, 22, may asawa, tubong Panabo, Davao Del Norte habang ang kasamahan nitong nakilala sa alyas Rudy, tubong Digos, Davao Del Norte ay tinutugis ng pulisya sa hindi binanggit na lugar.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyong isinumite kay P/Supt. Antonio Tanchoco, police chief ng Cabanatuan City, naitala ang krimen dakong alas-3:45 ng madaling-araw habang naghehersisyo ang biktima bago magluto ng almusal.

Napag-alaman pa sa imbestigasyon ng pulisya na nilapitan ng dalawang suspek ang biktima at pinagpapalo ng bato na ibinalot sa damit.

Pinagtulungan buhatin ng dalawang suspek ang duguang biktima bago isinilid sa freezer upang itago ang krimen.

Ayon pa sa pulisya, tinungo ng mga suspek ang asawa ng biktima upang isunod, subalit nagsisigaw ang babae kaya nakatawag ng pansin sa mga kapitbahay.

Dito nag-panic ang mga suspek at agad nagpulasan, subalit mabilis naman nadakip si Ronnie habang nakalayo naman si Rudy. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

vuukle comment

ANTONIO TANCHOCO

AYON

BARANGAY VALDEFUENTE

CABANATUAN CITY

CHRISTIAN RYAN STA

DAVAO DEL NORTE

DIGOS

PUROK CANTARILLA

RONNIE PONTANUSA

RUDY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with