3 lalaki minasaker ng NPA
March 14, 2004 | 12:00am
KAMPO SIMEON OLA, Legazpi City Tatlong sibilyan kabilang ang magkapatid, ang iniulat na nasawi makaraang pagbabarilin ng mga rebeldeng New Peoples Army (NPA) habang ang mga biktima ay nagsasabong sa Barangay Nanoc, Claveria, Masbate kamakalawa ng hapon.
Walang buhay na iniwan ang mga biktimang sina Bienvenido Persia, Armando Persia na kapwa residente ng Brgy. La Medalla Pio, Duiran, Albay at Lino Flores ng Sitio Balete, Brgy. Imelda, Claveria, Masbate.
Batay sa ulat na isinumite kay P/Chief Supt. Jaime Lasar, Bicol provincial police director, naitala ang insidente dakong ala-1:30 ng hapon habang ang mga biktima ay tumataya sa sabungan.
Lingid naman sa kaalaman ng tatlo ay nagpanggap din na mananaya ang mga rebelde, subalit ang pakay ay itumba ang mag-utol at isa pa.
Napag-alaman pa sa ulat na hindi pa nagtatagal sa sabungan ang mga biktima ay inupakan na ng putok ng mga rebelde kaya lumikha ng kaguluhan sa mga sabungero na nagkanya-kanyang takbuhan upang hindi mahagip ng ligaw na bala ng baril.
Sinisilip naman ng mga imbestigador ang anggulong may kinalaman sa pulitika ang naganap na pamamaslang. (Ulat ni Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended