^

Probinsiya

8-anyos kinatay ng tiyuhin

-
CALAMBA CITY, Laguna – Dahil sa pagpigil na sunugin ang sariling bahay ay nagbuwis ng buhay ang isang 8-anyos na batang lalaki makaraang makatikim ng 24 na saksak mula sa kanyang senglot na tiyuhin sa Barangay Canlubang, Calamba City, Laguna noong Biyernes ng gabi.

Hawak pa ang LPG-burner nang malagutan ng hininga ang biktimang si Reggie Baraguilla, grade one pupil at residente ng Block 23, Lot 21 Palao ng nabanggit na barangay.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, kinuha ng biktima ang LPG-burner bago itinakbo nito papalabas ng bahay dahil sa tangkang silaban ng suspek na si Rodil Baraquilla ang kanilang tirahan.

Agad namang hinabol ng suspek na lango sa alak ang batang biktima hanggang sa ito ay abutan sa labas at kinaladkad papasok ng bahay saka inundayan ng sunud-sunod na saksak ng patalim sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Nangingisay pa ang biktima nang bitiwan ng senglot na suspek na nanlilisik ang mga mata.

Tinangka namang sumaklolo ni Aurora, ina ng bata, subalit inundayan din siya ng saksak saka hinostage hanggang sa magresponde ang mga kagawad ng pulisya.

Ayon sa ulat, hinimok ng pulisya na sumuko na ang senglot na suspek pero binalewala nito.

Hanggang sa aktong sasaksakin muli ang sugatang hostage na babae ay agad namang nagpaputok ng baril sa ere ang pulisya kaya nahimasmasan ang suspek at agad na sumuko. (Ulat ni Rene M. Alviar)

vuukle comment

ALVIAR

AYON

BARANGAY CANLUBANG

BIYERNES

CALAMBA CITY

DAHIL

HANGGANG

REGGIE BARAGUILLA

RENE M

RODIL BARAQUILLA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with