Misis dedo sa pananambang

CAMP CRAME – Tinambangan at napatay ang isang misis samantalang kritikal naman ang mister nitong barangay kagawad sa naganap na karahasan sa harap ng Marcela Arcade, Tanauan City, Batangas kahapon ng umaga. Kinilala ng pulisya ang nasawing biktima na si Greter Mabait, samantalang nasa kritikal na kondisyon si Jocel Mabait na kapwa residente ng Brgy. Sambat ng nasabing lungsod. Base sa inisyal na imbestigasyon, ang mag-asawa ay lulan ng Isuzu Crosswind nang harangin at paputukan ng mga hindi kilalang lalaki. Napuruhan agad si Greter habang malubhang nasugatan ang mister nitong si Jocel at himalang nakaligtas ang kaangkas na brgy. kagawad na nakilala sa pangalang Tomas. Sinisilip naman ng pulisya na isa sa motibo ay pulitika. (Ulat ni Joy Cantos)

Show comments