^

Probinsiya

5 katao patay sa holdapan

-
RODRIGUEZ, Rizal – Lima-katao kabilang ang dalawang holdaper at dalawang security guard ang namatay sa naganap na holdapan sa grocery store sa barangay San Jose ng bayang ito kahapon ng tanghali.

Nakilala ang isa sa mga holdaper na si Florencio Kabaka, samantalang nakilala ang dalawang sekyu na sina Noel dela Peña at Yves Garcia at isang sibilyan na binawian ng buhay sa H-Vill Hospital sa Rodriguez, Rizal habang ginagamot pa sa Amang Rodriguez Medical Center ang tatlo pa kabilang ang isang 9-anyos na bata na tinamaan ng ligaw na bala sa naganap na barilan.

Ayon kay Sr/Supt. Leocadio Santiago, Rizal provincial director, naganap ang insidente dakong alas-12:30 ng tanghali sa harapan ng Suave Grocery sa loob ng San Jose public market sa kahabaan ng E. Rodriguez Ave. ng nasabing bayan.

Nabatid na pabalik na si dela Peña sa armored van ng Safeguard buhat sa loob ng nasabing Grocery bitbit ang di pa batid na pera upang idiposito sa kalapit na banko nang biglang harangin ng mga holdaper at barilin.

Agad namang rumesponde ang iba pang kasamang sekyu ni dela Peña at nagkaroon ng palitan ng putok kasunod nito, rumesponde naman ang pulisya na malapit ang himpilan sa pinangyarihan ng insidente at napatay ang dalawa sa mga holdaper.

Napilitang tumakas ng dalawa sa mga holdaper ng makitang patay na ang dalawang kasamahan sakay ng getaway car na Toyota Revo.(Ulat ni Edwin Balasa)

vuukle comment

AMANG RODRIGUEZ MEDICAL CENTER

EDWIN BALASA

FLORENCIO KABAKA

H-VILL HOSPITAL

LEOCADIO SANTIAGO

RIZAL

RODRIGUEZ AVE

SAN JOSE

SUAVE GROCERY

TOYOTA REVO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with