^

Probinsiya

5 baby-kidnapper nasakote

-
SAN FERNANDO CITY, La Union – Lima-katao na pinaniniwalaang kasapi ng sindikato na nagbebenta ng bata ang nasakote ng pulisya sa checkpoint habang bitbit ang dinukot na sanggol sa Barangay 3, San Juan ng lungsod na ito kamakalawa.

Pormal na sinampahan ng kaukulang kaso ang mga suspek na sina Mercy Jane Rivera, 43, Chito Sarmiento, 20, July Landingin, 38, na pawang residente ng Bonoan Binloc, Dagupan City; Romulo Banasen, 16 at Arnold Sembrano na pawang naninirahan sa Atis, Lingsat, San Fernando City.

Ayon kay P/Sr. Supt. Samuel B. Diciano, police provincial director, ang mga suspek ay nasabat sa checkpoint sa Parac-Parac, San Fabian, Pangasinan matapos na magreklamo si Gracer Jabar, ina ng biktimang si Marvon Jabar.

Base sa ulat ng pulisya, tinyempuhan ng mga suspek na naiwan mag-isa ang sanggol saka isinagawa ang modus-operandi.

Hindi naman nagtagal ay agad na nagreklamo sa himpilan ng pulisya ang ina ng biktima kaya inalerto ang lahat ng lagusan ng mga suspek.

Napag-alaman kay P/Chief Insp. Sterling Blanco, hepe ng Intelligence and Operation ng La Union PNP command, ang lima ay gumagala sa iba’t ibang barangay sa naturang lungsod upang mandukot ng mga bata at ipinagbibili sa mayayamang pamilya na walang anak sa Maynila at Baguio City. (Ulat ni Myds Supnad)

vuukle comment

ARNOLD SEMBRANO

BAGUIO CITY

BONOAN BINLOC

CHIEF INSP

CHITO SARMIENTO

DAGUPAN CITY

GRACER JABAR

INTELLIGENCE AND OPERATION

JULY LANDINGIN

LA UNION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with