Napikon sa isyu ni FPJ pumatay
March 3, 2004 | 12:00am
LUCENA CITY Pinaniniwalaang pagtatalo sa pagiging Pinoy ni FPJ ang naging ugat para pagtatagain hanggang sa mapatay ang isang lalaki ng kanyang kainuman ng alak sa Purok Masagana, Barangay Ibanang Iyam sa nasabing lungsod kamakalawa ng gabi.
Napuruhan ang biktimang si Danilo Bautista at ikinasugat naman ng malubha ni Napoleon Zaballero matapos na pagtatagain ng suspek na si Tomas Zaballero na ngayon ay naghihimas ng rehas na bakal sa himpilan ng pulisya. Sa imbestigasyon ni SPO4 Romy Uy at PO3 Gerardo de Chavez, magkakasamang nag-iinuman ng alak ang tatlo nang magdebate tungkol sa pagiging Pinoy ni FPJ hanggang sa humantong sa mainitang pagtatalo at pamamaslang sa biktima. (Ulat ni Celine Tutor)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended