3 lalaki sinalvage

Tatlong kalalakihan na pinaniniwalaang biktima ng "salvage" ang iniulat na nadiskubre sa liblib na bahagi ng Barangay Malitlit, Sta. Rosa, Laguna kahapon.

Ang mga biktimang magkakalayong nakahandusay sa dating basurahan ay nakilalang sina Willy Alegre, 39, drayber; Arsenio Arecala, 17, at Mervin Marquez, 17, pawang residente ng Barangay Malitlit ng naturang lugar.

Ayon sa pulisya, bandang alas-4 ng hapon nang madiskubre ng security guard ang tatlong bangkay na tadtad ng tama ng bala ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

May palagay ang pulisya na droga ang isa sa anggulo kaya pinaslang ang mga biktima. (Ulat ni Ed Amoroso)

Show comments