^

Probinsiya

Ex-councilor kalaboso sa pananaksak

-
Camp Pantaleon Garcia, Cavite – Naghihimas ngayon ng rehas na bakal ang isang dating konsehala matapos nitong pagsasaksakin ang isang ginang na sinugod nito dahilan sa matinding selos sa Brgy. Bagong Silang, Molino 3, Bacoor, Cavite kamakalawa ng gabi.

Ang biktimang nasa kritikal na kondisyon matapos na magtamo ng anim na saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ay nakilalang si Airene Ramirez, nasa hustong gulang at residente ng nasabing lugar.

Samantalang ang suspek na agad nasakote ng pulisya ay nakilala namang si Alice Francisco, dating konsehala sa kanilang barangay at kapitbahay ng biktima.

Base sa imbestigasyon ni PO2 Joel Malinao, may hawak ng kaso, ganap na alas-11:30 ng gabi ng maitala ang panunugod ng suspek sa bahay ng biktima na noo’y kasalukuyang pinatutulog ang kanyang anak.

Agad umanong pinagsisigawan ng suspek ang biktima na umano’y kinakalantari ang kaniyang asawa na nauwi sa pagsasagutan ng mga ito. Lingid naman sa kaalaman ng biktima ay may dala palang patalim ang suspek at hindi na nito nagawang ilagan pa ang sunud-sunod na saksak na iniunday nito laban sa kaniya.

Agad namang nasakote ang suspek habang mabilis na isinugod sa pagamutan ang biktima. (Ulat ni Cristina G. Timbang)

AIRENE RAMIREZ

ALICE FRANCISCO

BACOOR

BAGONG SILANG

BRGY

CAMP PANTALEON GARCIA

CAVITE

CRISTINA G

JOEL MALINAO

LINGID

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with