Agad naman nakatakbo at nakaligtas ang dalawa nitong kasama matapos na makarinig ng malakas na pagsabog at dagundong sa mataas na bahagi ng naturang lugar na pinagmulan ng malaking tipak na bato. Pinag-aaralan ng pulisya kung may pananagutan ang Teresa Marble Corporation na nagpasabog sa quarry. (Ulat ni Edwin Balasa)
Magkakahoy pisak sa bato
TERESA, Rizal Nagmistulang pisak na kamatis ang katawan ng isang 40-anyos na magkakahoy makaraang mabagsakan ng malaking tipak ng bato dahil sa pagpapasabog sa quarry kamakalawa ng hapon sa Barangay May Iba ng bayang ito. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Pablo Vijuan, ng Sitio Pag-asa, Barangay San Jose, Antipolo City.