Hukom tinodas ng kasosyo sa negosyo
February 22, 2004 | 12:00am
Binangonan, Rizal Tatlong saksak sa dibdib ang tuluyang tumapos sa buhay ng isang huwes makaraang pagsasaksakin sa dibdib ng kaniyang kasosyo sa negosyo dahilan sa awayan sa hangganan ng palaisdaan sa Brgy. Pag-asa ng bayang ito kahapon ng umaga.
Binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa Angono Medical Center ang biktimang si Judge Paterno Tiamzon, Executive Judge ng Binangonan Regional Trial Court (RTC) Branch 70 sanhi ng malalim na saksak sa katawan.
Pinaghahanap naman ang suspek na si Darius Bernardo na mabilis na tumakas matapos ang insidente.
Sinabi ni Rizal Police Provincial Director P/Sr. Supt. Leocadio Santiago, naganap ang insidente bandang alas 10 ng umaga sa Brgy. Pag-asa, Binangonan, Rizal habang ang biktima ay abalang nag-aayos ng bakod ng kanyang palaisdaan kasama ang kanyang tatlong helper.
Bigla na lamang umanong sumulpot ang suspek at walang sabi-sabing tinarakan ng tatlong sunud-sunod na saksak sa dibdib ang hukom.
Ayon kay Santiago, sinisiyasat nila ang anggulo ng awayan sa boundary ng palaisdaan bilang pangunahing motibo ng krimen.
Kaugnay nito, bumuo na rin ng isang team ng pulisya si Santiago para tugisin si Bernardo na pinaniniwalaang di pa nakakalayo sa lalawigan ng Rizal. (Ulat ni Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest