Obrero pinugutan sa inuman

KAMPO SIMEON OLA – Pinaniniwalaang napikon sa pagtatalo kaya pinugutan ng ulo ang isang 40-anyos na obrero ng kapwa obrero habang magkasamang nag-iinuman ng alak sa Barangay Pito, Sorsogon City kamakalawa.

Patalikod na inupakan ng itak sa ulo ang biktimang si Rogelio Jesalva samantalang agad naman tumakas ng suspek na si Ramon Lacdang na kapwa residente ng nabanggit na barangay. Base sa imbestigasyon ng pulisya, nagkapalitan ng maaanghang na salita ang dalawa hanggang sa mapikon ang suspek. Agad na umalis mula sa pagkakaupo at nang bumalik ay isinagawa ang pamamaslang. (Ulat ni Ed Casulla)

Show comments