2 lola nalitson sa sunog
February 19, 2004 | 12:00am
CAMP CRAME Natusta ng buhay ang dalawang matandang babae kabilang ang isang retiradong guro sa pampublikong paaralan habang isa pa ang nasugatan makaraang makulong ng apoy sa nasusunog nilang bahay sa Zamboanga City, ayon sa ulat kahapon.
Halos hindi na makilala ang bangkay ng mga nasawing biktima na kinilalang sina Milagros Cabato, 60, hindi makabangon sa higaan dahilan sa karamdaman at ang retiradong guro na si Gandelaria Gomez, 61 taong gulang.
Ang nasugatan na mabilis na isinugod sa pagamutan ay nakilala namang si Erwin Gomez.
Base sa inisyal na imbestigasyon, dakong alas-3:20 ng madaling-araw nang lamunin ng apoy ang tahanan ni Cabato na matatagpuan sa harapan ng Sta. Maria Elementary School sa kahabaan ng Gov. Camins St., Brgy. Sta. Maria ng nasabing lungsod.
Nabatid na ang sunog ay sanhi ng diperensiyang kable ng kuryente na mabilis na tumupok sa bahay ng mga biktima na dahilan sa katandaan ay nabigong makalabas ng lugar at nagresulta rin sa pagkasugat ni Gomez.
Ang sunog ay naapula pagkalipas ng may isang oras kung saan ay tinatayang aabot sa P.8 milyon ang naging pinsala sa insidente. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Tony Sandoval | 15 hours ago
By Cristina Timbang | 15 hours ago
By Tony Sandoval | 15 hours ago
Recommended