^

Probinsiya

3 patay sa sakuna

-
CAMP CRAME – Tatlo-katao ang nasawi habang tinataya namang nasa 50 pa ang nasugatan makaraang aksidenteng sumalpok sa puno ng niyog ang isang pampasaherong jeepney sa Toledo City, Cebu kamakalawa.

Kabilang sa nasawi sina Regeneses Manigos, 32; Mateo Panday, 24 at Antonio Terana; pawang nakaupo sa unahang bahagi ng bus.

Ang mga nasugatan na umaabot sa 50 katao ay mabilis namang isinugod sa Vicente Sotto Memorial Medical Center.

Base sa ulat, naganap ang sakuna sa kahabaan ng Sitio Apid, Brgy. Cantabaco ng nasabing lungsod.

Nabatid na kasalukuyang minamaneho ng driver na si Melchor Segarra ang West Star Bus na may plakang GWD 498 sa kahabaan ng nasabing lugar nang bigla itong mawalan ng preno.

Hindi nakontrol ng driver na si Segarra ang manibela kung saan ay sumalpok ang bus sa puno ng niyog bago ito tuluyang tumaob.

Kasalukuyan namang nakaditine sa Toledo City Detention and Rehabilitation Center si Segarra na himalang nakaligtas sa aksidente. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

ANTONIO TERANA

JOY CANTOS

MATEO PANDAY

MELCHOR SEGARRA

REGENESES MANIGOS

SEGARRA

SITIO APID

TOLEDO CITY

TOLEDO CITY DETENTION AND REHABILITATION CENTER

VICENTE SOTTO MEMORIAL MEDICAL CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with