Kuya tinodas ng utol

REAL, Quezon – Pinagsasaksak hanggang sa mapatay ang isang empleyado ng mababang korte ng sariling kapatid na lalaki makaraang sermunan ng biktima ang nakababatang utol habang magkasama silang nag-iinuman ng alak sa Barangay Poblacion Uno, Real, Quezon kamakalawa ng gabi. Hindi na umabot ng buhay sa Claro M. Recto Hospital si Allan Ascarraga, residente ng Polilio, Quezon matapos na saksakin ng patalim ng suspek na si Aldin Ascarraga ng nabanggit na barangay. Napag-alaman sa ulat ng pulisya na nagalit ang suspek sa matinding sermon ng kanyang kuya dahil pinipilit siyang paghanapin ng trabaho para makapag-asawa ng matino. Dito nagdilim ang paningin ng suspek at isinagawa ang pamamaslang. (Ulat ni Tony Sandoval)

Show comments