Mag-asawang trader tinodas ng dalawang maninikwat

NUEVA ECIJA – Kapwa sabog ang mukha ng mag-asawang trader makaraang pagbabarilin ng dalawang hindi kilalang armadong kalalakihan habang ang mga biktima ay nanonood ng telebisyon sa sariling bahay sa Barangay Bulak, Gapan City, Nueva Ecija kamakalawa ng gabi.<

Shotgun ang ginamit na pagpatay sa mga biktimang sina Porferio Fernandez, 51 at Flocerpida, 48 na kapwa residente ng Sitio Bulcar ng nabanggit na barangay.

Naitala ng pulisya ang krimen dakong alas-9 ng gabi sa loob ng bahay ng mag-asawa.

Ayon pa sa imbestigasyon ng pulisya, magkatabing nanonood ng telebisyon ang mag-asawa nang biglang pasukin ng mga suspek.

May teorya ang pulisya na nanlaban ang mag-asawa dahil sa pagpupumilit na kunin ang malaking halaga at mamahaling alahas ng dalawang maninikwat kaya naganap ang pamamaslang. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

Show comments