5 lalaki dakip sa 17 nakaw na motorsiklo
February 11, 2004 | 12:00am
Limang kalalakihan na pinaniniwalaang kasapi ng sindikato na sumisikwat ng ibat ibang marka ng motorsiklo ang nasakote ng mga tauhan ng PNP-Traffic Management Group sa isinagawang dalawang araw na operasyon sa magkahiwalay na bayan sa Sorsogon kamakalawa.
Kabilang sa mga suspek na naghihimas ng rehas na bakal ay sina Michael Marbella, Reynante Lovedioro, Urland Umbao, Sergio Loyola at Celestino Francisco na pawang residente ng bayan ng Pilar at Donsol, Sorsogon.
Tinutugis naman ang lider ng lima na nakilala lamang sa alyas na Rodel na pinalalagay na may malaking operasyon sa buong Kabikulan may ilang taon na ang nakalilipas.
Sa isinumiteng ulat kay P/Supt. Jemar Modequillo hepe ng PNP-TMG, narekober sa mga suspek ang labimpitong motorsiklong may ibat ibang tatak.
Ang pagkakadakip sa limang suspek at pagkakakumpiska sa 17 motorsiklo ay dahil sa pinaigting na "Oplan-Bawi" ng TMG sa buong Kabikulan.
Pinayuhan naman ng pulisya na sinumang may-ari ng mga sinikwat na motorsiklo ay maaaring magsadya sa tanggapan ng PNP-TMG para maberipika. (Ulat ni Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest