Sanggol inilibing nang buhay ng magulang
February 9, 2004 | 12:00am
BAYUGAN, Agusan del Sur Walang puso at kaluluwa ang ginawang karumal-dumal na krimen ng magka-live-in partner sa bayang ito makaraang ilibing nang buhay ang kanilang bagong silang na sanggol na lalaki noong Lunes, Pebrero 2 sa Purok 3, Barangay Taglatawan ng nasabing lugar.
Kasalukuyang naghihimas ng rehas na bakal at pormal na sasampahan ng kaukulang kaso ang mga suspek na sina Jonathan Sagun, 37, tubong Davao City at Mary Ann Mordeno, 20, college student sa Agusan del Sur Colleges (ADSCO) at kapwa residente ng nabanggit na barangay.
Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya, nagkasundo ang mga suspek na ilibing na lamang ang sang-araw na sanggol dahil sa walang sapat na salapi para ibuhay sa bata.
Problema rin ng mga suspek ang pambili ng gatas, gamot at ibang gamit sa araw-araw kaya marahil naisip na patahimikin na lamang ang bagong silang na anghel.
Ayon pa sa ulat ng pulisya, bukod sa walang pera ang magka live-in ay makakahadlang pa ang sanggol sa pagtatapos ng pag-aaral ng babae sa kolehiyo kaya nagkasundo ang dalawa na ilibing na lamang ang bata.
Hindi naman nagbigay ng detalye ang pulisya kung paano nadiskubre ang karumal-dumal na krimen na nagawa ng mga suspek laban sa kawawang sanggol. (Ulat ni Ben Serrano)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest