Bombang itinanim sa palengke, napigilan
February 7, 2004 | 12:00am
CAMP CRAME Napigilan ng mga awtoridad ang posibleng pagsabog at ikapinsala ng buhay at mga ari-arian ng mga inosenting sibilyan matapos na matuklasan ang isang bomba na itinanim sa pamilihang bayan ng Negros Occidental, ayon sa ulat kahapon.
Base sa ulat, dakong alas 8:30 kamakalawa ng gabi nang marekober ng mga awtoridad ang isang improvised bomb na nakalagay sa isang karton na may lamang pulburang nakasilid sa 330 ml plastic container na may halong gasolina at kinabitan ng igniting cord na nakatali sa isang kahon ng posporo at mosquito killer.
Nabatid na narekober ng ilang mga residente ang nasabing bomba at agad na itinawag ng mga ito sa awtoridad ang nasabing insidente.
Mabilis namang nagresponde ang operatiba ng Hinigaran Police at ilang mga tanod at maingat na nai-detonate ito.
Kasalukuyan namang nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang mga awtoridad upang alamin kung sino ang may pakana ng tangkang pagpapasabog sa nabanggit na lugar. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest