^

Probinsiya

Oakwood heroes isasabak vs Abu Sayyaf

-
Camp Aguinaldo – Humigit kumulang sa 600 sundalo ng Phil. Marines na nagsilbing ‘Oakwood heroes’ matapos na maharang ang mga mutineers noong Hulyo 2003 ang nakatakda naman ngayong isabak laban sa mga rebeldeng Muslim partikular na sa mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) sa rehiyon ng Mindanao.

Ayon kay Phil. Marine Corps (PMC) Commandant Major Gen. Emmanuel Teodosio, bumiyahe na kamakalawa patungong Mindanao ang mga elemento ng Marine Battalion Landing Team (MBLT) 11 para sa kanilang bagong assignment.

"Matinding pagsasanay ang kanilang pinagdaanan, sila’y maihahalintulad na natin sa hard-hitting fighting machine. Patunay nito ay ang malaking naibahagi ng MBLT 11 para masupil ang Oakwood mutiny noong nakalipas na taon," pahayag ni Teodosio.

Ang MBLT 11 ay kabilang sa mga tinaguriang ‘Oakwood Heroes’ o mga tapat na sundalo na nanatili sa panig ng gobyerno sa kabila ng pag-aaklas ng may 300 junior officers at enlisted personnel ng militar sa ilalim ng Magdalo Group na sumakop sa Oakwood Premiere Hotel sa Makati City sa bigong pagtatangkang pabagsakin ang gobyerno.

Pangunahin namang tungkulin ng nasabing tactical unit ay ang lansagin ang nalalabi pang grupo ni ASG Chieftain Khadaffy Janjalani na namonitor na nagtatago sa kagubatan ng Sultan Kudarat.

Nabatid na ang MBLT 11 ay binuo noong Abril 1, 2003 para tumulong sa operasyon ng AFP-Southcom sa kainitan na rin ng kampanya laban sa ASG at iba pang grupo ng mga rebeldeng Muslim pero pansamantala itong di natuloy dahil sa nangyaring pag-aaklas ng grupo ni Phil. Navy Lt. Sr. Grade Antonio Trillianes IV na sumakop sa Oakwood Hotel noong Hulyo 27 ng nakalipas na taon. (Ulat ni Joy Cantos)

ABU SAYYAF GROUP

CAMP AGUINALDO

CHIEFTAIN KHADAFFY JANJALANI

COMMANDANT MAJOR GEN

EMMANUEL TEODOSIO

HULYO

JOY CANTOS

MAGDALO GROUP

MAKATI CITY

MARINE BATTALION LANDING TEAM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with