2 nahulihan ng baril sa raid

LINGAYEN, Pangasinan – Dalawa katao ang naaresto dito, habang iba’t ibang kalibre ng baril na walang kaukulang papeles ang nakumpiska ng mga awtoridad nang lusubin ng mga ito ang dalawang kabahayan, kamakalawa.

Naaresto ng PNP Region-1 ang mga suspek na sina Rogelio Urlanda ng Zone V1, Brgy. Carusucan Norte, Asingan Town kung saan nakumpiska sa kanyang pag-iingat ang isang M-16 at mga bala nito; at Oscar Torres ng Brgy. San Patricio, Sta. Maria at nakuha naman sa kanyang pag-iingat ang isang shotgun, 1 caliber 9mm, 1 caliber 380 at iba’t ibang mga bala. (Ulat ni Myds Supnad)

Show comments