Kampo ng NPA nakubkob ng militar
January 30, 2004 | 12:00am
CAMP AGUINALDO Nakubkob ng tropa ng militar ang isang kampo ng New Peoples Army (NPA) na pinaniniwalaang pinagkukutaan ng mga rebeldeng sangkot sa pangingikil ng "permit to campaign fees" sa mga kandidato, kamakalawa ng hapon sa Makilala, North Cotabato.
Sa ulat, pasado alas-2 nang madiskubre ng operatiba ng 39th Infantry Battalion ang nasabing kuta sa kagubatan na nasa pagitan ng Brgy. Malauban at Villaflores sa bayan ng Makilala.
Nabatid na unang nakatanggap ng impormasyon ang militar hinggil sa nasabing kampo na pinagkukutaan ng mga rebeldeng NPA na sangkot sa nasabing aktibidadis.
Napag-alaman na bago pa man nakalapit ang tropa ng militar ay nagsipagtakbuhan na ang mga rebelde patungo sa magkahiwalay na direksyon.
Nakumpiska sa nasabing kampo ang mga training manuals, mapa, sketches ng mga detachment ng CAFGU, talaan ng mga barangay captains na kontrolado ng mga rebelde, propaganda leaflets, medisina at talaan ng mga politiko at mga negosyanteng sumusuporta sa underground movement.
Samantala, isang rebelde na kasapi ng Wendel Group ng Dolinog Command, Eastern Visayas na kinilala lamang sa pangalang Vicente Merino alyas "Ka Glen" ang boluntaryong sumuko sa militar, kamakalawa ng hapon. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended