^

Probinsiya

Trader hinoldap, binaril kasama ang misis

-
Manito, Albay – Isang 30-anyos na negosyante ang pinagbabaril sa harapan mismo ng kanyang misis makaraang tambangan at holdapin ang mga ito ng tatlong di-kilalang mga armadong kalalakihan, kahapon ng umaga sa bayang ito.

Hindi na umabot ng buhay sa Manito Emergency Hospital ang biktima na si Joseph Quirona, residente ng Brgy. Buyo, ng naturang bayan.

Batay sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-7:30, habang ang biktima at misis nitong si Vilma ay sakay ng isang motorsiklo at tambangan ng mga suspek sa isang masukal na lugar.

Matapos kulimbatin ng mga suspek ang pera ng mga biktima na nagkakahalaga ng P100.000 ay walang sabi-sabing binaril ng isa sa mga suspek ang lalaking biktima sa harapan ng misis nito.

Kasalukuyan ng nagsasagawa ng isang masusing imbestigaasyon ang pulisya para sa pagkakakilanlan at sa agarang ikadarakip ng mga suspek na mabilis na tumakas matapos ang isinasagawang krimen. (Ulat ni Ed Casulla)

vuukle comment

ALBAY

BATAY

BRGY

BUYO

ED CASULLA

ISANG

JOSEPH QUIRONA

KASALUKUYAN

MANITO EMERGENCY HOSPITAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with