Ayon kay AFP-Public Information Office (AFP-PIO) Chief Lt. Col. Daniel Lucero, bandang alas-8 ng gabi nang isabotahe ng mga rebelde ang cell site ng Smart Telecommunications sa bisinidad ng Brgy. Villazar, Sipocot, ng nabanggit na lalawigan.
Base sa imbestigasyon, nagawang pasukin ng mga rebelde ang compound ng Smart sa pamamagitan ng pagwasak sa padlock ng unahang pintuan nito.
Kabilang sa winasak ay ang mga kagamitang pangkomunikasyon matapos putulin ang koneksyon ng main switch ng cell site.
Hindi naman nasaktan ang tatlong guwardiya na nagbabantay sa nasabing cell site dahil nasa labas ang mga ito nang maganap ang pananabotahe.
Pinaniniwalaan namang ang insidente ay may kinalaman sa pangingikil ng revolutionary tax ng mga rebelde sa pangasiwaan ng nasabing kompanya.(Ulat nina Joy Cantos at Ed Casulla)