^

Probinsiya

2 suspek sa p15-m bank robbery tiklo

-
La Trinidad, Benguet – Dalawang pinaghihinalaang notoryus na miyembro ng robbery/hold-up gang na responsable sa panghoholdap ng P15M sa sangay ng Landbank sa Buguias ang nasakote ng pulisya matapos na maharang sa isang checkpoint sa Lagawe, Ifugao kamakalawa.

Kinilala ni P/Chief Supt, Rowland Albano, Police Regional Director ng Cordillera Administrative Region (CAR) ang mga suspek na sina Jensen Roldan, 23, ng Macmac-ac, Poblacion East, at Amador Polaso, 23, ng Poblacion South; pawang sa bayan ng Lagawe.

Ayon kay Albano ang mga suspek ay nadakip matapos habulin ng kanyang mga tauhan nang tangkaing iwasan ang inilatag na checkpoint sa highway ng Dullagan, Lagawe.

Ang mga suspek ay naunang sinampahan ng kasong paglabag sa Comelec gun ban matapos mahulihan ng isang Elisco M16 baby armalite rifle subali’t nang magsagawa ng beripikasyon sa pagkatao ng mga ito ay natuklasang kabilang ang mga ito sa mga armadong holdaper na nanloob sa sangay ng Landbank sa Buguias, Benguet kamakailan.

Sinabi ni Albano na si Roldan ay ika-20 top most wanted sa Cordillera Region matapos na magpalabas ng warrant of arrest si Judge Agapito Laoagan ng Regional Trial Court (RTC) Branch 54 ng Abatan, Buguias sa kasong robbery in band.

Nakakulong na ngayon ang mga suspek sa detention cell ng Ifugao Provincial Police Office. (Ulat ni Myds Supnad)

ALBANO

AMADOR POLASO

BENGUET

BUGUIAS

CHIEF SUPT

CORDILLERA ADMINISTRATIVE REGION

CORDILLERA REGION

IFUGAO PROVINCIAL POLICE OFFICE

LAGAWE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with