^

Probinsiya

Abogado tinepok ng manugang na adik

-
Camp Pantaleon Garcia, Cavite – Brutal ang sinapit na kamatayan ng isang beteranong abogado matapos hatawin sa ulo, pagsasaksakin at gilitan pa ng leeg ng manugang nito na pinaniniwalaang bangag sa ipinagbabawal na droga sa Brgy. Panapaan 2, Bacoor ng lalawigang ito.

Kinilala ang biktima na si Atty. Miguel Jimenez, 75 -anyos, isang abogado at residente ng Wednesday St. Brgy. Panapaan 2 ng bayang ito.

Pinaghahanap naman ang suspek na kinilalang si Rommel Baron, nasa hustong gulang at asawa ng anak ng biktima.

Base sa imbestigasyon ni SPO1 Rodolfo Arboleda, may hawak ng kaso, bandang alas-10:30 ng gabi ng maganap ang insidente matapos na magtalo ang biktima at ang suspek.

Nabatid na kinompronta ng matanda ang manugang dahilan sa ginagawang pambubugbog sa kaniyang Misis na si Joy na ampon ng biktima.

Dahil dito ay nairita ang suspek na tuluyang nagdilim ang paningin hanggang sa gulpihin ang walang kalaban-labang matanda na di pa nakuntento ay pinagsasaksak pa ito hanggang sa mapatay.

Matapos maisagawa ang krimen ay mabilis na tumakas ang suspek lulan ng isang kulay berdeng Honda Civic na may plakang XLY -770. Nabatid na bukod sa pagiging adik ng suspek ay may rekord na rin ito sa kasong pagpatay sa himpilan ng pulisya. (Ulat ni Cristina G. Timbang)

vuukle comment

BACOOR

CAMP PANTALEON GARCIA

CRISTINA G

HONDA CIVIC

MIGUEL JIMENEZ

NABATID

PANAPAAN

RODOLFO ARBOLEDA

ROMMEL BARON

WEDNESDAY ST. BRGY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with