^

Probinsiya

2 patay, 1 grabe sa banggaan

-
Sto. Domingo, Nueva Ecija – Dalawa katao ang nasawi samantalang isa pa ang grabeng nasugatan makaraang magbanggaan ang isang pampasaherong jeepney at kasalubong nitong motorsiklo sa kahabaan ng Maharlika highway, Brgy. Baloc, sa bayang ito kamakalawa ng gabi.

Binawian ng buhay habang isinusugod sa Dr. Paulino Garcia Extension Hospital sa bayan ng Talavera ang mga biktimang sina Efren Montelano, ng Brgy. Poblacion East, Muñoz Science City at Romeo Secretario ng Brgy. Bantog , Muñoz na pawang nasa hustong gulang.

Kinilala naman ang nasugatang biktima na ginagamot sa nasabing pagamutan na si Jerry Padiro, 39 anyos , may-asawa at naninirahan sa Brgy. Bantog sa bayan ng Muñoz.

Sa imbestigasyon, bandang alas-6 ng gabi habang sakay sina Montelano at Secretario sa Sym Star motorcyle na walang plaka nang salpukin ng kasalubong nitong pampasaherong jeepney na may plakang CWN -215 na minamaneho ni Padiro sa nasabing lugar.

Nabatid sa imbestigasyon na nag-overtake sa kasunod na sasakyan ang motorsiklo bunsod upang masalpok naman ito ng kasalubong na pampasaherong jeepney. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

vuukle comment

BANTOG

BRGY

CHRISTIAN RYAN STA

DR. PAULINO GARCIA EXTENSION HOSPITAL

EFREN MONTELANO

JERRY PADIRO

NUEVA ECIJA

POBLACION EAST

ROMEO SECRETARIO

SCIENCE CITY

SYM STAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with