^

Probinsiya

Indian national patay sa holdap

-
Camp Crame — Isang negosyanteng Indian national ang nasawi matapos na manlaban sa isang holdaper na nangholdap sa dayuhan sa loob ng kaniyang minamanehong behikulo sa highway ng Sta. Barbara, Pangasinan, ayon sa ulat kahapon.

Dead on the spot ang biktimang kinilalang si Amrik Singh, 36 anyos, naninirahan sa Zarate Subdivision sa Dagupan City matapos magtamo ng malalalim na saksak sa katawan.

Base sa report, bandang alas-12:50 ng tanghali ng marekober ang bangkay ng biktima sa loob ng kaniyang Toyota Tamaraw FX na may plakang TRN-245 na nakaparada sa national highway, Brgy. Minlen East sa bayan ng Sta. Barbara ng lalawigang ito.

Ayon sa teorya ng mga awtoridad malaki ang posibilidad na nanlaban ang biktima sa hindi pa nakilalang holdaper na nangholdap dito sa loob mismo ng kaniyang behikulo. Nabatid na nawawala ang mga alahas, cellphone, pera at iba pang mga kagamitan ng biktima.

Isang residente sa lugar ang nakakita umano sa suspek ilang oras bago nadiskubre ang krimen na nagmamadaling bumaba sa sasakyan. Kasalukuyan pang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang kaso. (Ulat ni Joy Cantos )

vuukle comment

AMRIK SINGH

AYON

BRGY

CAMP CRAME

DAGUPAN CITY

ISANG

JOY CANTOS

MINLEN EAST

TOYOTA TAMARAW

ZARATE SUBDIVISION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with