^

Probinsiya

P1.5-M kada araw koleksiyon ng jueteng sa Zambales

-
IBA, Zambales – Sa kabila ng pinaigting na kampanya ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at ang "one-strike policy" ni PNP Chief Director General Hermogenes Ebdane Jr. laban sa operasyon ng jueteng sa bansa, patuloy naman ang pamamayagpag ng operasyon ng illegal na sugal sa lalawigan ng Zambales.

Ito ang isiniwalat sa PSN ng isang kagawad ng pulisya na tumangging ipabanggit ang pangalan na kasalukuyang nagpapatuloy ang operasyon ng jueteng sa bayan ng Subic, Zambales, simula pa noong nakaraang linggo.

Napag-alaman pa sa impormante na ang operasyon ng jueteng ay unang bumalik sa Subic, Zambales noong nakaraang linggo na pinapatakbo ng dalawang gambling lord na sina Peping Beldan at isang nagngangalang "Aguing", kilalang jueteng king sa bayan ng Malabon.

Ayon pa sa source, ang operasyon ng jueteng ng dalawang nabanggit na jueteng lord sa bayan lamang ng Subic ay nakakakolekta ng P1.5 milyon araw-araw maliban pa sa mga bayan ng Castillejos, San Marcelino, San Antonio, San Felipe, San Narciso, Palauig, Candelaria, Masinloc, Iba, Botolan, Cabangan at Sta. Cruz kung saan laganap din ang operasyon ay kumikita ng umaabot sa P15 milyon araw-araw.

"Nagpalamig lang muna sila dahil sa ‘utos’ ni Gen. Ebdane, pero pagkatapos ng ilang linggo ay nag-resume na naman ang operasyon ng jueteng dito na may kaakibat na basbas galing sa ‘itaas’," dagdag pa ng source.

Ibinunyag pa ng impormante sa PSN na personal na iniaabot ng dalawang gambling lord sa mga tiwaling matataas na opisyal ng pulisya na nakabase sa Zambales-PNP command ang P3 milyon bilang "payola" kapalit sa malayang operasyon ng jueteng dito sa nasabing lalawigan. (Ulat nina Alex Galang/Jeff Tombado)

ALEX GALANG

CHIEF DIRECTOR GENERAL HERMOGENES EBDANE JR.

JEFF TOMBADO

JUETENG

OPERASYON

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

PEPING BELDAN

SUBIC

ZAMBALES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with