Pinasinungalingan din ng PDEA na may umuusbong na narco-politics sa Antipolo City at maaaring gawa ito ng mga kalaban sa pulitika ng kasalukuyang alkalde na si Angelito Gatlabayan.
May paniniwala naman ang kampo ni Gatlabayan na ang pinagmulan ng isyung narco-politics sa Antiplo City ay isa sa kalaban sa pulitika na binanggit sa artikulong lumabas at siya ay anak ng dating alkalde ng Antipolo at ngayon ay kakandidato para sa posisyong hawak ni Mayor Gatlabayan.
Sinabi pa ni Mayor Gatlabayan na dapat ay tigilan na ang isyung ito at patunayan na lamang ang kanilang mga bintang.
"Tigilan na ang pagbibintang, magtrabaho na lamang tayo para sa bayan." ani Mayor Gatlabayan.
Magugunitang si Mayor Angelito Gatlabayan ay dalawang beses nang tinanghal na "bayani Kontra Droga" ng Best Friends Kontra Droga, Inc. noong taong 2002 at 2003.
Si Gatlabayan din ang unang alkalde ng nasabing lungsod na nagpasimula ng drug-testing sa lahat ng empleyado ng city hall upang tuluyang masugpo ang pagkalat ng bawal na droga.(Ulat ni Edwin Balasa)