Brgy. chairman dinedo ng kadugo
January 14, 2004 | 12:00am
CAMP CRAME - Pinagtulungang gulpihin at saksakin hanggang sa mapatay ang isang 33-anyos na barangay chairman ng sariling mga kapatid at pamangkin makaraang sitahin ng biktima ang huli sa Barangay Paniganyan, Laua-an, Antique, ayon sa ulat kahapon. Hindi na umabot pa ng buhay sa ospital si Roger L. Nietes, samantalang isa sa mga suspek na si Florendo Nietes ay agad na nadakip habang tinutugis naman sina Edwin, Jose at pamangking si Ronald Nietes. Naitala ng pulisya ang insidente dakong alas-4 ng hapon matapos na sitahin ng biktima ang mga suspek na nanggugulo dahil sa pawang mga lango na sa alak. Dahil sa pawang mga lango sa alak ang mga suspek ay pinagkaisahang gulpihin ang sariling utol hanggang sa mamatay. (Ulat ni Joy Cantos)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Tony Sandoval | 10 hours ago
By Cristina Timbang | 10 hours ago
By Tony Sandoval | 10 hours ago
Recommended