^

Probinsiya

Piloto dedo sa chopper crash

-
Camp Crame — Isang piloto ang nasawi makaraang bumagsak ang sinasakyan nitong chopper makaraang aksidenteng sumabit sa kable ng kuryente sa naganap na trahedya sa plantasyon ng saging sa Malalag, Davao del Sur kamakalawa.

Kinilala ang biktima na si Capt. Felix Cabardo na nagtamo ng grabeng sugat sa katawan sa insidente na siyang dagliang kumitil sa buhay nito. Base sa ulat dakong alas-6:20 ng umaga habang pinalilipad ni Cabardo ang single seater sprayer aircraft na may body number RPR 2463 at pag-aari ng Lapanday Food Corp. ng maganap ang sakuna sa Sitio Lumbia, Poblacion, Malalag, Davao del Sur.

Habang nag-i-spray umano sa Banana Plantation ng MVPI South ang aircraft ay aksidente itong sumabit sa kable ng kuryente ng National Power Corporation (NAPOCOR) main line. (Ulat ni Joy Cantos)

BANANA PLANTATION

CABARDO

CAMP CRAME

DAVAO

FELIX CABARDO

JOY CANTOS

LAPANDAY FOOD CORP

MALALAG

NATIONAL POWER CORPORATION

SITIO LUMBIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with