^

Probinsiya

Kotse bumangga sa poste: 1 patay, 3 grabe

-
BULACAN – Isang 19-anyos na tinedyer ang iniulat na nasawi samantalang tatlo naman ang malubhang nasugatan makaraang sumalpok ang sinasakyang kotse sa poste ng Meralco sa kahabaan ng Gov. Padilla Road na sakop ng Barangay Sto. Niño, Plaridel, Bulacan kamakalawa ng gabi. Animo’y sardinas na nayupi sa loob ng kotse (WNW-937) ang katawan ng biktimang si Louie dela Cruz habang ginagamot naman sa ospital sina Carlo Bozeta, Rommel Sicat at Rolando Azur na pawang residente ng Grand Royal Subd. sa Brgy. Bulihan, Malolos, Bulacan. Naitala ng pulisya ang aksidente dakong alas-11:20 ng gabi matapos na magtungo ang mga biktima sa inuman. Bago pa maganap ang aksidente ay naparaan ang kotse ng mga biktima sa malalim na bahagi ng kalsada kaya umanggat ang sasakyan. Dito nawalan ng kontrol ang drayber saka sumalpok sa poste ng Meralco. (Ulat ni Efren Alcantara)

vuukle comment

BARANGAY STO

BRGY

BULACAN

CARLO BOZETA

EFREN ALCANTARA

GRAND ROYAL SUBD

MERALCO

PADILLA ROAD

ROLANDO AZUR

ROMMEL SICAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with