Kolektor ng asg,nahuli
January 10, 2004 | 12:00am
Camp Aguinaldo Umani na naman ng panibagong tagumpay ang crackdown operations ng militar laban sa Abu Sayyaf Group (ASG) matapos masakote ang collector ng mga bandido sa isinagawang operasyon sa Isabela City, Basilan kamakalawa.
Kinilala ni Army Chief Major Gen. Efren Abu ang nasakoteng bandido na si Sonny Boy Hamsain, may patong sa ulong P.3 M kaugnay ng pagkakasangkot sa serye ng kidnapping sa ilalim ng pamumuno ni ASG Chieftain Khadaffy Janjalani.
Nabatid na bandang alas 4:40 ng hapon habang nagsasagawa ng security operation ang tropa ng Armys 24th Special Forces Company (SFC) ng masakote si Hamsain. Si Hamsain ay nagtrabaho pansamantala sa Basilan Dock Handlers Corporation para makaiwas sa mga awtoridad.
Lumilitaw sa imbestigasyon na si Hamsain ang kolektor ng salaping kinokotong ng grupo ni Janjalani sa mga negosyante partikular na sa Port Area ng Isabela City simula ng sumapi ito sa ASG noong taong 1992. Ang suspek ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest