Magkaibigan nabiktima ng budol-budol gang
January 10, 2004 | 12:00am
Camp Pantaleon Garcia, Cavite Umaabot sa mahigit P.2 M ang natangay ng limang hinihinalang miyembro ng Budol-Budol gang matapos maloko ang dalawang magkaibigang babae sa Brgy. Virata, Gen. Mariano Alvarez ng lalawigang ito.
Kinilala ang dalawang biktima na sina Natividad Bulgonio, 54 anyos, dalaga, residente ng Block 2 C 2 A, Brgy. Virata at kaibigan nitong si Carmen Vitor, 59, may asawa at residente naman ng Brgy. Tiago; pawang residente ng nasabing bayan.
Agad namang nadakip sa follow-up operations ang suspek na si Agnes Gono, 40 anyos, may-asawa ng Sta. Christina, Dasmariñas, Cavite habang patuloy na tinutugis ang apat pa nitong nakatakas na kasamahan.
Lumilitaw sa imbestigasyon na bandang alas-10 kahapon ng umaga ng makipagkilala sa dalawang biktima ang suspek sa Brgy. Virata kung saan ay ipinakita sa mga ito ang dala nilang bag na puno ng umanoy milyong halaga na inihabilin at bilang garantiya ay humingi ng mahigit P.2M.
Huli na ng matuklasan ng mga biktima na ginupit lamang palang dyaryo ang laman ng bag na ipinagkatiwala sa kanila ng mga suspek. (Ulat ni Christina G. Timbang)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest