Obrero dinedo sa videoke
January 9, 2004 | 12:00am
LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan Isang 36-anyos na obrero ang iniulat na nasawi makaraang saksakin ng sariling bayaw sa masayang inuman ng alak sa Purok Kapatan, Barangay Matimbo ng nasabing lungsod kamakalawa. Nagtamo ng maraming saksak ng patalim sa katawan ang biktimang si Celso Narciso, samantalang tinutugis naman ang suspek na si Juan Balintin. Napag-alaman sa ulat ng pulisya na pinapayapa ng biktima ang suspek na nagwawala dahil sa pag-aagawan ng videoke machine. Dito na nairita ang suspek kaya inundayan ng sunud-sunod na saksak ang biktima na ikinasawi nito. (Ulat ni Efren Alcantara)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest