Oposisyon sa Bulacan,humina
January 7, 2004 | 12:00am
MALOLOS CITY, Bulacan Pinaniniwalaang napilay ang puwersa ng lokal na oposisyon sa Bulacan makaraang magsara ang Commission on Elections sa pagtanggap ng certificate of candidacy sa mga kakandidatong politiko.
Base sa rekord ng Comelec, aabot sa 44 kandidato ang nagsumite ng kanilang certificate of candidacy sa posisyong gobernador, bise gobernador, bokal at congressman.
Tanging ang partido ng Lakas-CMD ang kumpleto sa line-up ng kandidato at ang iba naman ay tatakbo sa ilalim ng partido independent.
Kabilang sa maglalaban sa pagka-gobernador ay sina Gov. Josie dela Cruz (Lakas-CMD), anak ni Gen. Romeo Maganto na si Rommel Maganto (PMP) at Danny Senosin ng DGIP.
Sina Vice Governor Rely Plamenco at DAR Secretary Roberto Pagdanganan ang mag-aagawan sa puwesto ng bise gobernador.
Aabot naman sa 24 na kandidato ang mag-aagawan sa sampung puwesto sa pagka-bokal, 15 naman sa limang distrito ng Bulacan, 24 na alkalde at bise-alkalde ang mga kakandidato at walong puwesto sa pagka-konsehal sa 24 na bayan. (Ulat ni Efren Alcantara)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended