Isa sa dahilan kaya di kakandidato si Payumo bilang gobernador ng Bataan ay ang pagtatayo ng $215 milyon port development project sa Cubi point sa freeport zone na nais niyang matuloy sa kabila ng pagtutol ni Tourism Secretary Richard Gordon.
Ang port development project at Subic-Clark-Tarlac toll road ay dalawang complimentary flagship project ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na nais ni Payumo na matuloy sa konting panahon na lamang ang nalalabi sa panunungkulan bilang chairman ng SBMA.
"I have decided to stay and finish the six-year full term as SBMA chair which will be completed by next year and focused on the implementation of two-flagship projects envisioned to spur economic growth in Central Luzon," ani pa ni Payumo.
Samantala, kasabay din na inihayag ni Payumo na susuportahan nito ang kandidatura ni Bataan Vice-Governor Rogelio "Boy" Roque na tatakbo bilang gobernador sa darating na halalan laban kay Bataan 1st District Rep. Enrique "Tet" Garcia. (Ulat ni Jeff Tombado)