Jueteng talamak pa rin sa Laguna
December 26, 2003 | 12:00am
Sa kabila ng pagdedeklara ni Philippine National Police (PNP) Chief P/Director Hermogenes Ebdane Jr., na "jueteng free" na ang 17 rehiyon sa bansa ay patuloy pa rin umano sa pamamayagpag ang operasyon ng nasabing illegal number game sa lalawigan ng Laguna at mga karatig lugar.
Ayon sa source na tumangging magpabanggit ng pangalan, sa katunayan umano ay sa bayan ng San Pedro, Laguna ginagawa ang paghahati-hati sa jueteng money mula sa mga karatig nitong lugar kabilang na ang Muntinlupa City at iba pang mga bayan sa lalawigan.
Sinabi nito na dalawa umanong matataas na opisyal ng pamahalaang lungsod ng Muntinlupa City ang madalas na magtungo sa Laguna upang paghatian ang jueteng money na ginagawa sa Mc Donalds sa bayan ng San Pedro.
Nabatid na tumatanggap ang mga ito ng hindi bababa sa P200,000 kada linggo upang bigyang proteksiyon ang jueteng laban sa raid. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest