Nasa hot water ngayon ang pinaghahanap na suspek na kinilalang si PO1 Robert Agsauljo sanhi ng pambabastos sa kaniyang opisyal na si SPO4 Henry Jacob, nakatalaga bilang Provincial Chief ng La Union Provincial Traffic Management Group at siya ring Regional Executive Senior Officer (RESPO) ng Regional Traffic Mobile Office (RTMO) 1 ng Carlatan, San Fernando City.
Ayon sa reklamo ni Jacob sa Aringay Police Station, dakong alas-4:30 ng hapon kamakalawa sa loob ng kanilang headquarters na matatagpuan sa Brgy. San Eugenio nang magpaalam ang suspek para magbakasyon ng ilang araw ngayong kapaskuhan.
Hindi naman ito pinayagan ng kaniyang opisyal dahilan naka-duty ang nasabing pulis bunsod upang magalit ito kung saan ay bigla na lamang tinutukan ng .45 caliber pistol ang kaniyang superior.
Dahil sa naramdamang panganib ay nakipagpambuno si Jacob kay Agsauljo at nagawa nitong maagaw ang armas na agad nitong itinapon.
Mabilis namang tumakas si Agsauljo na sinampahan ng kasong direct assault upon an agent of person in authority sa Municipal Trial Court ng Aringay na nagpalabas na ng warrant of arrest laban dito. (Ulat ni Joy Cantos)