Doktor tinodas ng adik

CAMP CRAME – Isang 50-anyos na doktor ang iniulat na nasawi makaraang pagpapaluin ng matigas na bagay ng lalaking lango sa droga habang ang biktima ay nasa sariling bahay sa Barangay San Antonio, Biñan, Laguna kamakalawa. Nadiskubre ang bangkay ni Dr. Jose Vicente Concepcion bandang alas-8:30 ng umaga kamakalawa sa tinutuluyang bahay sa #8 Ayala St. Francis Village ng nabanggit na barangay. Natukoy naman ang suspek na si Roy Burgos, alyas Royzkie, ng Block 15 Lot 123, Brgy. Majada, Calamba City, Laguna, matapos na maiwan nito ang sariling identification card ng Automated Technology Phils. Inc. Napag-alaman pa sa ulat ng pulisya na tinangay ng suspek ang dalawang cellular phones at hindi pa mabatid na halaga. (Ulat ni Joy Cantos)

Show comments