^

Probinsiya

P7-M sinikwat ng 5 armado

-
BAGUIO CITY – Aabot sa pitong milyong piso ang nakulimbat ng limang hindi kilalang armadong lalaki mula sa mga empleyado ng Philippine National Bank-Bontoc sa kahabaan ng Ifugao national highway noong Miyerkules ng umaga.

Ayon kay P/Senior Supt. Eugene Martin, Cordillera police information officer, hinarang ng mga naka-bonnet na kalalakihan ang sinasakyang Toyota Tamaraw FX na may plakang URE-623 ng mga biktima sa kahabaan ng Sitio Upper Pitawan, Barangay O-ong sa bayan ng Hingyon.

Napag-alaman pa na kawi-withdraw pa lamang ng malaking halaga sa PNB branch sa Solano, Nueva Viscaya nang sikwatin ng mga armadong lalaki ang pitong milyong piso at apat na baril ng mga security guard.

May teorya ang pulisya na may nagbigay ng impormasyon sa mga maninikwat na may dalang malaking halaga ang mga biktima.

Huminggi na ng tulong ang pulisya sa mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) para agad na maresolba ang krimen. (Ulat nina Artemio Dumlao at Myds Supnad)

vuukle comment

ARTEMIO DUMLAO

BARANGAY O

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

EUGENE MARTIN

MYDS SUPNAD

NUEVA VISCAYA

PHILIPPINE NATIONAL BANK-BONTOC

SENIOR SUPT

SITIO UPPER PITAWAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with